Lowlands-L Anniversary Celebration

Frontpage
The Project

Language lists
Languages
Talen
Sprachen
Sprog
Lenguajes
Linguagens
Langues
Языки
Bahasa-bahasa
语言,方言,士话
語言,方言,士話
言語と方言
Languages A–Z
Language Groups
Audio Files
Language information
Wish list

About Lowlands
Beginnings
Reflections
Meet Lowlanders!
Project Team
Contact
Site map
Offline Resources
Gallery
History
Traditions
The Crypt
Travels
Language Tips
Members’ Links
Facebook
Lowlands Shops
  · Canada
  · Deutschland
  · France
  · 日本 Japan
  · United Kingdom
  · United States
Recommended now!

What's new?

Guests...
Please click here to leave an anniversary message (in any language you choose). You do not need to be a member of Lowlands-L to do so. In fact, we would be more than thrilled to receive messages from anyone.
Click here to read what others have written so far.

About the story
What’s with this “Wren” thing?
   The oldest extant version of the fable we are presenting here appeared in 1913 in the first volume of a two-volume anthology of Low Saxon folktales (Plattdeutsche Volksmärchen “Low German Folktales”) collected by Wilhelm Wisser (1843–1935). Read more ...

Tagalog ng Nwebe’ysiha

Nueva Écija Tagalog



Listen?

Do you wish you could hear this? Click here to find out more!

 

 

Translator: Dante Ferry • Featured Guest Contributor

Location: Manila (The Philippines)

Language information: [Click]Click here for different versions. >



Click here for different versions. >[Modern Spelling] [Baybayin Script]   

Ang Pipit

Portrait of Dante FerryNu’ng araw, me namumugad na mag-anak na mayang pipit sa isang munting silungan ng sasakyan. Nakalipad na’y mga magulang na ibon – upang ikuha ng makakai’y mga inakay nila – kaya naiwang nag-iisa’y mga ito.

’Di naglaon, umuwi na’y amang pipit.

“Ano’ng nangyari rine?” eka ng amang pipit. “Sino’ng nanakit sa inyo, mga anak? Nahihintakutan kayong lahat!”

“Naku, Tatang”, eka nila, “me dumating na masamang-loob kangi-kangina lang. Mukha syang mapakabangis at kahindik-hindik! Tinitigan nya ng nakamurilat nyang mga mata ang pugad natin. Takot na takot kami!”

“A, gano’n ba”, eka ng Amang Pipit, “saan sya nagtungo?”

“E do’n po sa gawi ro’n siya nagpunta”, eka nila.

“Tekayo!” eka ng Amang Pipit, “Susundan ko sya. Hwag na kayong mag-alala, mga anak. Ako’ng bahala sa kanya; lagot sya sa’kin.” At lumipad na sya upang sunda’y masamang-loob. Sa me pagliko, ’yung lyon pala’ng naglalakad do’n.

’Di ’yon ikinatakot ng pipit. Dumapo sya sa likod ng lyon at nagsimulang pagalitan ito. “Ano’ng karapatan mong magpunta sa bahay ko”, eka nya, “at tinakot mo pa’ng mga anak ko?”

’Di sya pinansin ng lyon at nagpatuloy sa paglalakad nya.

Ikinainis ito ng pipit at lalo syang tinalakan. “Sinasabi ko lang sa’yo, ala kang karapatang pumunta ro’n! At kapag bumalik ka pa”, eka nya, “makikita mo! Talagang ayokong gawin ‘to”, eka nya at me kasama pang pagtaas ng isang paa, “nguni’t babalian kita ng gulugod sa pamamagitan ng paa ko sa isang saglit lamang!”

At lumipad na nga syang papauwi sa pugad nya.

“O, ayan, mga anak”, eka nya, “tinuruan ko na sya ng aral. Hinding-hindi na sya babalik uli.”


© 2011, Lowlands-L · ISSN 189-5582 · LCSN 96-4226 · All international rights reserved.
Lowlands-L Online Shops: Canada · Deutschland · France · 日本 · UK · USA